Pages

Monday, October 3, 2011

Maningning Miclat Awards at GT Toyota UP-Diliman

Bingyang parangal ang mga nagwagi sa Maningning Trilingual Poetry Competition noong Setyembre 29, 2011 sa GT-Toyota UP Asian Center Auditorium. Ang maikling programang ito ay sinamahan ng isang concert kung saan nagtanghal ang sikat na pianistang si Mary Anne Espina, ang soprano na si Banaue Miclat-Janssen, at ang tenor na si Lemuel de la Cruz. Kabilang sa mga panauhin ang mga bigating tao sa larangan ng literatura na sina Bienvenido Lumbrera, F. Sionil Jose, at si Geminio Abad.

Unang binasa ang nagwaging tula sa wikang Tsina na pinamagatang "詩人的眼淚" o "Poet's Tears".Sa wikang Ingles, ang naagwaging tula ay "What Passes for Answers". Ang tulang may pamagat na "Agua" naman ang nanalo sa kategoyang Filipino.

Ang mga kinanta ay mga kantang Tsino na "One Moment" at ang sikat na kantang "月亮代表我的心" o "The Moon Represents My Heart" na sinundan ng "Nessum Dorma". Sa wikang Ingles naman ay "Someone to Watch over Me", "As If We Never Said Goodbye", at "Stranger in Paradise", habang sa wikang Filipino, kinanta nila ang "Mutya ng Pasig", "Kundiman ng Lahi", at "Kataka-taka".


***********************************************************************************


Isa ito sa mga nais kong daluhan nang mabasa ko ang tungkol dito sa PDI noong nakaraang buwan. Ngunit nang makita kong may bayad ang ticket (P500) ay nagbago ang isip ko. Sa kabutihang palad ay may ticket ang kamag-aral ko at ako'y inanyayahan niyang pumunta kasama siya sa event na ito. Ang malas nga lang, hindi ako nakapagdala ng camera dahil hindi ko inaasahan na makakadalo pala ako. (Kung kaya't walang pic sa entry na ito.)

Dalawa ang layunin ko sa pagdalo, ang marinig muli ang pagtugtog ni Mary Anne Espina ng piano, at ikalawa'y madagdagan ang kaalaman tungkol kay Maningning Miclat. Napadpad ako dati sa websayt ng Miclat Foundation at nalaman ko ang tungkol sa pagiging mahusay na artist ni Maningning. Bukod pa rito, nagagandahan ako sa kanya. Tulad nga ng sabi ni Julie Lluch na isang skulptor, si Maningning ay may "beautiful face—that perfectly formed Asian face, her long hair… She’s lithe, slim, graceful, Pinay na Pinay, yet very Asian."

May kwento si Edna Manlapaz, propesor sa Ateneo, tungkol sa pagsumite ni Maningning ng mga obra niya sa aklatang exclusibong para sa mga obra ng mga kababaihan. Ayon kay Manlapaz, sobrang mahiyain daw si Maningning, pero grabe ang kanyang pagsumite ng mga obra kung kaya't nang sumakabilang-buhay na si Maningning ay mayroon silang naitagong madaming obra literaria na nagpapatunay ng galing at husay ni Maningning sa pagsusulat.

Sayang lang talaga at inagaw ang buhay niya sa murang edad na 28.



No comments:

Post a Comment