Pages

Wednesday, November 28, 2012

From Multiply 076: Simbang Gabi


Nagsimula kagabi ang Simbang Gabi na nakagawian na ng karamihan sa mga Katoliko sa Pilipinas. Isa itong tradisyon kung saan 9 na magkakasunod na gabi ay nagdaraos ng misa ang simbahan bilang paghahanda sa nalalapit na Araw ng Kapanganakan ng Tagapagligtas na si Hesukristo. Ngayong ikalawang gabi, mga alaala ng aking mga kaisipan sa aking kabataan ang pumuno sa aaking isipan.

Inaamin ko na hindi naman talaga ako tapat na Katoliko. Malaki nga ang impluwensiya ng Katolisismo sa akin, pagkat mula kabataan ay napaliligiran ako ng mga taong katoliko--- ang aking ina, mga kapatid at yaya ay pawang mga nananampalataya sa relihiyong ito. (Ang aking ama naman ay isang Buddhist pero hindi siya relihiyoso.) Naaalala ko pa noong bata pa ako, ang Bibliya ang unang importanteng libro na binabasa ko. (Siguro dahil na rin sa kakulangan ng libro sa aming tahanan kung kaya't naisipan kong buklatin ang kopya ng aking ina. Paboritong paborito ko noon ang Genesis at Revelations, iyong huli ay panakot sa sarili, mas nakakatakot pa sa mga pelikulang horror.) Naaalala ko rin ang kagustuhan kong maging pari dahil sobra akong nahatak ng Bibliya sa murang edad na 7 taon. Pero ang pangarap na iyon ay mananatiling ganoon lang--- isang pangarap. Nang malaman ko na hindi pala pwedeng magpari ang kababaihan, hindi talaga ako makapanilwala. Bakit naman lalaki lang ang pwede??? Bawal bang madre (ang akala ko dati, ang madre ay babaeng pari) ang magmisa?

Iyan ang unang tanong na sumagi sa aking isipan. Lumaki ako sa isang paamilyaang lubos ang pagpapahalaga sa mga lalaki habang mababa ang tingin sa babae. Nang malaman ko ang tungkol sa pagbabawal sa mga kababaihan na magmisa ay nagising ako sa hindi pantay na pagtingin sa 2 kasarian. Masakit pero iyan ang sabi ng simbahan. Tanggap ko na sana (karaniwan kasi ang pagtanggap na walang panunuri), kaso may nabasa akong tungkol sa isang profeta na babae, si Devorah o Deborah sa ibang versyon. Dito nagsimula ang pag-iisip ko kung tama ba ang turo ng Simbahang Katolika. (Mula pa dati ay hindi ko kinwestiyon kung maay Dios ba o wala dahil malinaw na malinaw sa akin na totoong may Diyos.)

Dahil dito, nagpasya akong maging isang misyonera na lamang. Isang independent na misyonera na walang koneksiyon sa mga katoliko pero ang aking magiging batayan ay ang Bibliya. Mahaba ang kwento pero paiikliin ko na lang. Nang lumawak ang kaalaman ko tungkol sa mundo, napaisip ako kung Kristiyanismo ba ang totoong relihiyon. Siguro sa karamihan oo, maganda kasi ang mga turo nito. Pero kung titingnan natin ang iba pang mga relihiyon, mabubuti rin ang turo nila. Ang tinutukoy ko ay ang mga kasulatan. Sa aking palagay, mga interpretasyon ng mga tao ang nagpagulo sa mga kasulatang ito. May mga motibo at may mga propagandang kahalo, at hindi binibigyan ng ganap na atensyon ang espirituwal na aspekto ng relihiyon na dapat ay pangunahing gawain nito. Bilang isang sanay sa indibidwalismo, napagpasyahan kong maging isang eklectica na walang kinikilingan. Kumbagaa, para na rin akong "lapsed Catholic". Madalas nga lang naapagkakamalan kong ateista, pero nililinaw ko dito na hindi ako ateista, ako'y naniniwala sa Diyos, hindi nga lang sa diyos ng kung anu-anong relihiyon. Kung baga, personal ang konsepto ko ng Diyos, at personal din ang aking pananampalataya.

Siyempre, nanatili sa akin ang karamihan sa mga turo ng Kristiyanismo. Naniniwala ako kay Hesukristo, kung itatanong ninyo. Pero hindi ako naniniwala na nakuha ng mga larawan at mga scultures ang totoong anyo Niya. Personal din ang pananampalataya ko sa kanya at iba sa mga Kristiyano.

Ano naman ang kinalaman ng mga ito sa Simbang Gabi?

Oo nagsisimba ako. Pero may mas malalim na dahilan kung bakit ako nagsisimba. Kung may isang magandang kontribusyon ang mga katoliko, ito'y sa arte, musika at arkitectura. Napakainteresante para sa akin ang iba't ibang itsura ng mga simbahan, ang pagkakatayo, mga nilalaman, paano ang interpretasyon sa mga eksenang nasa Bibliya, atbp. At gustong gusto ko ang efekto ng echo sa musikang eklesiastikal.


Dec 16, '09 11:04 AM
for Miracle's friends, Miracle's family and Miracle's online buddies

No comments:

Post a Comment