Nitong lumipas na linggo, nakaranas na naman ako ng nakakainis habang nasa jeep. Ako'y patungong unibersidad bandang a las 3 ng hapon at may isang lalaki na sumakay na may hawak na isang basong Dairy Queen na ice cream. Ang init noong hapng iyon, wala namang nakakagulat doon kasi summer na at El Niño pa!
Nakaupo ang lalaki sa dulo ng jeep, halos kaharap ko dahil ako naman ang nakaupo sa pinakadulo pero dahil pumapasok ang init sa jeep ay hindi ko sinagad sa sukdulan ang pag-upo sa dulo. Nang matapos siyang kumain ay inilagay niya ang baso sa ilalim ng upuan. Napatingin ako sa harap para tingnan kung may basurahan at hinarap ang lalaki sabay turo sa basurahan. "May basurahan po o, " sabi ko.
Dahil nasa dulo siya, nag-asta siyang tila gusto itapon pero dahil sa nasa dulo siya ay "hirap" siya. Sa inis ko ay hinigi ko ang baso at ako mismo ang nagtapon, kahit na hindi naman kami nagkakalayo. Nakakahiya naman sa kanya.
Grabe lang, mga Pinoy. Kailan kaya kayo magiging mapag-alaga sa kapaligiran??? Ang galing ninyo magpost ng kung ano-ano sa Facebook lalo nung kasagsagan ng Heneral Luna, pero hindi ninyo talaga magawang tumino. Grabe lang. Lahat tayo umaasa sa magandang pagbabago pero ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa sarili.