Wednesday, November 28, 2012

From Multiply 072: Jeepney Scene 4


Nitong mga huling linggo, madalas akong nakakaita ng mga taong sandaliang sumasakay sa mga jeep na may dalang mga "drums" na sariling gawa at mga envelops. Nakasulat sa mga envelop na sila'y mga Badjao at humihingi sila ng kakaunting barya. Bilang kapalit, tumutugtog sila at minsa'y may batang babaeng magsasayaw.

Hindi ako palamigay sa mga taong ito ng pera. Natatakot ako na baka ipangsugal lang nila o kaya ibili ng rugby. Kapag may pagkain ako sa bag, iyon na lang ang ibinibigay ko. Huwag lang pera. (Pero noong una akong nakakita ng ganoon, nagbigay ako ng barya. Namangha lang kasi ako kasi unang beses ko makakita ng Badjao.)

Pero noong sobrang dami na nila, aba, nagtaka na ako. Talaga bang Badjao ang mga ito???


Nov 28, '09 1:59 AM
for everyone

No comments:

Post a Comment