Friday, November 30, 2012

From Multiply 088: Jeepney Scene 6


Inaantok ako kanina sa dyip. (Lagi naman eh, pero nitong mga huling linggo, mas grabe dahil sa init.) Pero dahil laganap ang nakawan ngayon ay pinipilit kong huwag matulog. Kaya nililibang ko ang sarili sa pagmamasid sa paligid.

Kanina, nakita kong "bukas ang lungsod" ng aleng nakaupo sa harap ko. HIndi ko naman siya masabihan dahil maingay at kakailanganin kong sumigaw para marinig niya. Kaso nga lang, kung gagawin ko iyon, tiyak na maririnig ng iba pang mga pasahero. Hintay na lang muna.

Buti na lang at bumaba ang katabi niya. Lumipat agad ako sa tabi niya at medyo nahihiyang lumapit at mabilis na bumulong na "bukas ang lungsod" niya. Tulad ng inaasahan, bingi pala ang ale. Nakatatlong ulit yata ako bago niya nakuha ang mensahe at agad na tinakip ang bag sa parteng iyon at pasimpleng inayos ang sarili. Natawa siya nang makuha ang mensahe. Akala niya kung ano na daw pinagsasabi ko. At nagpasalamat siya.

Gusto ko lang ikwento. Napangiti ako sa pangyayaring iyon. Hindi dahil sa "bukas na lungsod" kundi dahil sa nakatutuwang ale na iyon. Buti hindi siya pikon.

May 24, '10 10:28 AM
for everyone

No comments:

Post a Comment