Friday, November 30, 2012

From Multiply 089: Jeepney Scene 7


Nung isang araw, minalas talaga ako sa sinakyang jeep. Grabe magmaneho yung tsuper, akala mo kung sinong hari ng kalsada. Nakakainis. Hindi ba niya alam na inilalagay niya sa panganib ang buhay niya at ng mga pasahero niya? Adik yata sa droga iyon. O sadyang mayabang lang at hari-harian.

May isang pasahero, babae, na dinemanda na ibalik ng tsuper ang pamasahe niya kasi bababa na daw siya't ayaw pa niyang mamatay. At binalik nga ng tsuper sabay sabi, "Sige, ikaw na lang ang mamatay mag-isa!" sabay maneho na naman nang ubod ng tulin sa Quezon Ave. Aba, ang bastos ng tsuper na iyon! Imbes na humingi ng tawad sa pagkakamali niya ay nang-insulto pa!

TXU 329 (dyip na papuntang Philcoa, hindi ko nakita kung saan galing pero basta dumadaan sa Quezon Ave.) ang numero ng plaka ng dyip na iyon. Hindi ko lang maalala kung ano ang numero na dapat tawagan para i-report ang mga mayayabang at walang modong mga tsuper ng pampublikong sasaskyan. Gusto ko sana isumbong ito.

May 28, '10 11:56 AM
for everyone

No comments:

Post a Comment