Friday, November 30, 2012

From Multiply 090: Jeepney Scene 8


Kanina lang ulit ako nakasakay ng UP jeep galing Pantranco. Madalas kasi sumasakay na lang ako ng bus dahil bibihira lang ang UP jeep sa lugar na iyon. Hindi ko nakuha ang plate number ng jeep na nasakyan ko, sabi ko pa naman sa sarili ko na gagawin ko iyon pagkababa kaso nawala sa isip ko.

Mabait naman si manong tsuper. May pasahero kasing matanda at talagang ibinaba ni manong sa ilalim ng flyover malapit sa MRT at tinawag ang MMDA para alalayan yung matanda. Bibihira na lang ang mga ganung tsuper. Kadalasan e mga bastos ang mga tsuper ng jeep. Kung kaya't kahit papaano e gumanda ang araw ko.

Kaso nga lang, nung nasa QMC na, saka ko lang napansin na smoke belcher pala! Hay nako. Sana naman gawan ng paraan ni manong para di na bumuga ng maitim at toxic na usok ang jeep niya.

Aug 18, '10 9:43 AM
for everyone

No comments:

Post a Comment